Friday 10 February 2012

EXCITEMENT SA EXCITE


Isang mapagpalang hapon para sa ating lahat!
Tunay na mabunga ang limang araw na nagdaan… hitik na hitik sa bunga! Wow grabe!
Nang maatasan ako ng aming principal na si Dr. Flandez na maging kabahagi ng ExCITE Program na ito, samu’t saring emosyon ang nangibabaw sa puso ko – andyan ang kaba, saya, at syempre EXCITEment sa mga matututunan ko dito kasama pa ang makikita ang mga kaibigang guro sa ibang schools. Bagong kaalaman, mga bagong matututunan at mga bagong kaibigan.
Nang malaman kong EXCEL ang pag-aaralan, tunay natuwa ako dahil wala akong pormal na pag-aaral sa paksang ito. Simpleng encoding, copy, paste, save and print. Mga paksa, at mga commands na dati’y kinatatakutan ko, ang mga IF, NESTEDIF, VLOOKUP sa EXCEL… dahil nakakadugo ng utak dahil naunahan ng takot. Ang mga terminolohiyang BLOG at mga LINKS noon ay di ko alam, pero ngayon, I had my first blog! Di ba ang saya?! Salamat na lang at talaga namang pinagaan at pinadali para sa amin ng aming mga guro.
Kay Sir Fernan, napakamagaling magturo at buong husay na nakapagkahanay ng mahihirap na paksa sa paraang madali para sa amin na almost zero knowledge dito. Sa kanyang kompyansa na kaya naming itong mapagtagumpayan… na kung sa amin lang ay di naming kaya.
Kay Sir Lindy na buong giting na nagbukas sa amin ng mundo ng World Wide Web, Google, Mozilla at iba pa. Ang G-mail at Blog Account ko nga dito ko unang nagawa. Di na bago sa amin ang mga URL, ICT, http://, mga Netiquette at iba pa.
Sino ba naman ang makakalimot kay Sir Roy, na di lang nagpalalawak pa sa kaalaman sa computer, internet at blogging, kundi higit sa lahat sa kabuuan ng training na ito. Hindi lamang sa mga head knowledge kundi sa mahalagang roles ng isang GURO para makasabay sa nagbabago at patuloy na nagbabagong mukha ng edukasyon tungo sa pagsulong... Sa kanyang pagbubukas ng aming isip at aming puso sa kahalagahan natin bilang GURO. Sa pagbibigay ng hamon. Priceless ang experience namin!
Kaya naman sa pagsabak namin muli sa paaralan… we will bever be the same again. Di na ako takot, at walang kaalaman. Na dati di maka-relate sa mga estudyante, sa nakaKAHON na isip, sa paglalagay ng tuldok sa sarili, sa mga bagong kaalaman. Sa TEKI World at pagtuturo ng Filipino – level up na kami! Kaya naman masasabi kong “I am a teacher, I touched the future”.
Sa lahat ng bumubuo, mga staff syempre sa aming angel na si Mam Sydney, na laging nandyan, napaka-approachable, may ngiti sa mga labi tuwing bibigyan ng tugon ang aming mga tanong tuwing kami ay nangangarag sa aming mga activities.
Tunay na busog na busog sa kaalaman, sa mga bagong karanasan at sa biyaya (mga libreng materials – bags, pen, pencils, manuals, pati stationary meron!) ang seminar na ito. Maging sa pagkain busog na busog din syempre, pasasalamat din sa mga naghanda ng masasarap na pagkain sa limang araw na “buhay estudyante” naming mga guro. Sana maranasan din ito ng mga kapwa guro ko sa aming home school!
Kaya naman, nag-uumapaw na pasasalamat sa lahat ng kabahagi ng napakagandang proyektong ito. Mula sa nakaisip ng vision, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, DeEd Family, URS Family - para sa aming mga kaguruan ng Rizal, sa mga naging kabahagi sa matagumpay na programang ito, buong pusong pasasalamat sa inyong lahat! Pagpalain po kayo ng ating DAKILANG LUMIKHA! Mabuhay!

Thursday 9 February 2012

ANG IBONG ADARNA

Para sa aking mga mag-aaral sa unang taon. Tunghayan ang presentasyon: